|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagdiriwang ng ika-40 taong pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, tagumpay
PAGDIRIWANG NG PAGKAKAIBIGAN NG TSINA AT PILIPINAS, TAGUMPAY. Nasa larawan si dating First Lady at ngayo'y Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos (kanan) at Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianghua (pangalawa mula sa kaliwa) sa sang pagtitipon sa Phil. International Convention Center kagabi. Dumalo rin si Senador Ferdinand Romualdez Marcos sa okasyon. (Melo M. Acuna)
ISANG makulay na palatuntunan ang idinaos kagabi sa Philippine International Convention Center na itinaguyod ng Department of Foreign Affairs at Chinese Embassy. Kinatampukan ito ng mga awitin at sayaw ng mga Filipino - Chinese.
May mga espesyal na lumahok sa pagdiriwang tulad ng mga mananayaw at acrobats mula sa Tsina at ang mga Filipinong nagwagi sa Asia's Got Talent, ang Gamma Penumbra.
Kabilang sa mga dumalo sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianghua, dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, Senador Ferdinand Romualdez Marcos, AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. at ba pang mga Filipino-Chinese community leaders. Napuno ang plenary hall ng PICC ng mga Tsinoy na mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |