|
||||||||
|
||
IPINARATING na ng National Bureau of Investigation ang usapin hinggil sa pork barrel laban sa mga taong kaalyado ni Pangulong Aquino. Kabilang sa kinasuhan sina Senador Gregorio "Gringo" Honasan, Congressman Rufus Rodriguez, at TESDA Director General Joel Villanueva na kasapi sa gabinete ng pangulo.
Kasama si Villanueva sa koalisyon ng pamahalaan at nabalitang patatakbuhin bilang senador ng Partido Liberal sa 2016. Anak siya ni Jesus is Lord founder Bro. Eddie Villanueva. Nahirang siya sa puesto bilang TESDA Director General na itinuturing na cabinet secretary. Naglingkod naman siya bilang Congressman ng Citizens Battle Against Corruption Congressman mula 2001 hangang 2010.
Si Honasan ay tumakbo at nagwagi sa Senado bilang isang independent candidate na kaalyado ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar C. Binay. Si Honasan ang vice president ng UNA.
Si Congressman Rodriguez naman ang namuno sa House of Representatives ad hoc Bangsamoro Committee at siya ring nagtaguyod ng Bangsamoro Basic Law sa Kongreso. Isa rin siyang kakampi ng administrasyon.
Ang iba pang kinasuhan ay sina La Union First District Congressman Victor Ortega, Manila Congressman Amado Bagatsing, dating Abono Congressman Conrad Estrella III at Robert Raymund Estrella at dating Zamboanga Congressman Isidro Real Jr,.
Kabilang sila sa mga nakalistang kaalyado ni Janet Lim Napoles na sinasabing kumita sa pork barrel scam.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |