|
||||||||
|
||
Foreign Policy ng Pilipinas, pag-uusapan sa Tapatan sa Aristocrat
ANO nga ba ang nararapat na foreign policy ng Pilipinas mula ngayon hanggang sa mga susunod na panahon sa pagbabago ng anyo ng daigdig?
Ito ang paksa sa darating na Lunes sa "Tapatan sa Aristocrat" ang lingguhang talakayan sa Aristocrat sa Roxas Blvd. at San Andres, Maynila na nagsisimula sa ganap na ika-siyam ng umaga.
Nangunguna sa mga panauhin sina dating Senate Foreign Relations Committee Chairperson Leticia Ramos Shahani, Congressman Rufus B. Rodriguez, Propesor Rolando Simbulan ng Pamantasan ng Pilipinas at dating ABC Beijing Bureau chief Chito Sta. Romana.
Paksa sa Tapatan sa Aristocrat kung paano haharap ang Pilipinas sa daigdig ng diplomasya sa mga nangungunang bansa sa daigdig tulad ng Estados Unidos, Tsina, Japan, European Union at mga bansang kinalalagyan ng mga manggagawang Filipino na karamiha'y na sa Gitnang Silangan.
Ang Tapatan sa Aristocrat ay itinataguyod ng Areopagus Social Media for Asia at ng Aristocrat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |