|
||||||||
|
||
Bagyong "Yolanda" lubhang nakapinsala sa mga mamamayan at ari-arian
ILO COUNTRY DIRECTOR JOHNSON, NAGPASALAMAT. Pinasalamatan ni G. Lawrence Jeff Johnson ng International Labour Organization ang iba't ibang ahensya at tanggapan sa pakikiisa sa kanila sa pagtugon sa mga biktima ni "Yolanda." Kabilang sa mga nagtaguyod ang British, Norwegian at Japanese governments sa mga patrabaho upang kumita ang mahihirap na nawalan ng hanapbuhay sa mga sakahan at pangisdaan. (Minette Rimando)
MALAKING pinsala ang idinulot ng bagyong "Yolanda" sa mga pook na hinagupit napakalakas na sama ng panahon noong Nobyembre 2013. Sa kanyang talumpati, sinabi ni International Labour Organization Country Director G. Lawrence Jeff Johnson na anim na milyong manggagawa ang nawalang ng hanapbuhay. May tatlong milyon ang nasa peligrosong uri ng trabaho bago pa man dumating si "Yolanda."
Nakatugon naman ang International Labour Organization sa panawagan ng pamahalaan at humanitarian partners upang matiyak na magkakatrabaho ang mga biktima.
Higit sa 67,000 manggagawa at kanilang mga pamilya ang natulungan sa emergency employment programs ng ILO sa Tacloban, sa Leyte, Northern Cebu at maging sa Coron sa lalawigan ng Palawan.
Tiniyak ng ILO na magkaroon ng bagong skills, makatanggap ng minimum wage na sa mas marami ay nakatanggap sa unang pagkakataon, at pagkakaroon ng mas magandang working conditions kabilang na ang social protection coverage tulad ng social security, accident at health insurance coverage.
Ipinaliwanag ni G. Johnson na hindi lamang labour rights ang mga ito bagkos sa basic human rights na kailangang ipatupad sa humanitarian phase.
Apat na sandigan ang kanilang kinikilala tulad ng pagsusulong ng makataong trabaho, matiyak na kinikilala ang mga karapatan sa trabaho, pagpaparating ng social protection at pagkakaroon ng tulungan sa iba't ibang ahensya at samahan.
Ang emergency employment, local resource-based work, skills development at enterprise development programs ang pinakinabangan ng may 160,000 manggagawa at kanilang mga pamilya.
Umabot na rin sa US$ 11.5 milyon o P 522,675,000 milyon ang kanilang nagastos sa mga programa para sa mga pasahod, mga kagamitan, social security, health at accident insurance enrolment kasama na rin ang vocational skills training and enterprise development.
Nagpasalamat si G. Johnson sa mga pamahalaan ng Norway, Japan at Department for International Development ng United Kingdom na tumulong sa pagpapatupad ng kanilang mga programa.
Nakatakdang umalis si G. Johnson sa Pilipinas na kanyang pinaglingkuran sa nakalipas na limang taon, upang manungkulan sa punong tanggapan ng ILO sa Geneva, Switzerland sa darating na Oktubre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |