Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Honasan at Kalihim Villanueva, pinapanagot sa pork barrel scam

(GMT+08:00) 2015-08-07 19:17:46       CRI

Bilyon- bilyong piso, inilaan para sa pribadong sektor

IKINAGULAT ng IBON Foundation ang impormasyong taliwas sa sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na walang ginagastos ang pamahalaan sa public-private partnerships at ang pribadong sektor pa ang nagbabayad sa pamahalaan, bilyun-bilyong piso pa ang inilaan ng pamahalaan sa PPP sa panukalang 2016 national budget.

Tulad ng budget sa taong 2015 na ang pondo ay inilaan sa pagtulong sa malalaking kumpanya upang kumita, sa pagtataya ng IBON, napuna na ang 2016 National Expenditure Program ay mayroong P 65.9 bilyon para sa ilang PPP na ipinatutupad na pinakamalalaking korporasyon ng bansa. Lumaki pa ito sa dating halagang P 52.7 bilyong nailaan sa taong 2015.

Ang panukalang 2016 budget ang nagpapanatili ng P 30 bilyong risk management program na siyang financial at regulatory rish guarantee upang maipagsanggalang ang kita ng mga pribadong kumpanya laban sa mga hindi pinapayagang dagdag pasahe. Napapaloob pa rin ang P 1.6 bilyon pondo para sa amortization at lease payments sa mga paaralang itinayo ng Megawide Construction Corporation at mg akabalikat na kumpanya.

Lubhang malaki rin ang increase sa PPP strategic support funds na nadoble at umabot sa P24.8 bilyon oara sa right-of-way acquisition at displacement ng informal settlers sa may 13 road at expressway projects na pinaghahandaan ng Ayala Corporation, San Miguel Corporation, Metro Pacific, Megawide, Aboitiz Equity, JG Summit at iba pang malalaking korporasyon.

Ayon sa 2016 National Expenditure Program, mayroong P 9.5 bilyon para sa iba't ibang Light Rail Transit at Metro Rail Transit projects na nasa ilalim na ng privatization o isinasaayos na ang privatization. Itinaas na rin ang pasahe ng mass transit subalit may nakaambang dagdag-singil pa ang Metro Pacific at Ayala Corporation, ang private sector winders ng LRT Line 1 expansion and operation project.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>