|
||||||||
|
||
150825melo.mp3
|
Bureau of Customs, tatalima sa kautusan ng pangulo
SUSUNOD ang Bureau of Customs sa kautusan ni Pangulong Aquino hinggil sa balikbayan boxes na ipinadadalang pauwi sa bansa ng milyum-milyong Filipino sa ibang bansa.
Sinabi ni (Customs) Commissioner Albert D. Lina, sa halip na magkaroon ng random physical inspections, magkakaroon ng mandatory x-ray examination ng containers na naglalaman ng iba't ibang kargamento at balikbayan boxes ng walang kaukulang gastos sa mga nagpadalang OFW. Magkakaroon ng pagsusuri at kung magsasagawa ng physical inspection, magkakaroon ng mga saksi sa bubuksang mga kargamento.
Hinihiling nila sa freight forwarders na maglagay ng kanilang sariling x-ray machines sa kanilang mga bodega kasunod ng specifications na ang Customs ay madaliang maglalabas ng clearance ng mga OFW balikbayan boxes. Magiging maingat pa rin ang pamahalaan sa pagpasok ng mga kontrabando at smuggled items. Magkakaroon din sila ng dagdag na K9 Units at dagdag na closed circuit television (CCTV) para sa mga daungan sa ilalim ng emergency procurement.
Nanawagan din si Commissioner Lina sa mga mamamayan na magsumbong kung magkakaroon ng mga kawani ng Customs na gagawa ng 'di autorisadong physical inspections ng balikbayan boxes ay magsumiti ng mga lawaran at video sa helpdesk@customs.gov.ph ng may kalakip na detalyes upang maaksyunan kaagad.
Nanawagan din siya sa mga kasama sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang Customs Modernization and Tariff Act na hindi pa nakakalusot sa kongreso upang mapag-isa at maging tugma ang mga pamamalakad at mga alituntunin sa mga kautusan na nagsimulang ipatupad noon pang 1957.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |