|
||||||||
|
||
Small and Medium Enterprises sa pandaigdigang pamilihan paksa sa APEC automotive dialogue
MAGIGING panauhing pandangal si Trade and Industry Assitant Secretary for Industry Development Rafaelita M. Aldaba sa 23rd APEC Automotive Dialogue (AD) na sisimulan sa Huwebes hanggang Sabado sa Cebu City.
Tema ng pagpupulong ang "Integrating SMEs into the Automotive Global Value chains" at layuning magkaroon ng integrated regional at global approaches sa mga alituntunin sa larangan ng automotive industry.
Itatampok sa pulong ang Boracay Action Agenda for Micro Small Medium Enterprises ni DTI Asst. Secretary Ceferino R. Rodolfo.
May higit sa 100 mga kalahok ang inaasahang makikiisa mula sa Tsina, Australia, Canada, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mexico, Peru, Chinese Taipei, Thailand, Viet Nam, Estados Unidos at Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |