|
||||||||
|
||
Commander ng US Pacific Command, dadalaw sa Pilipinas
NAKATAKDANG dumalaw sa Pilipinas si Admiral Harry Harris mula ngayon hanggang sa kamakalawa upang makipag-usap kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Forces Chief of Staff General Hernando Iriberri. Si Admiral Harris ang United States Pacific Command chief.
Ayon kay Col. Noel Detoyato, tagapagsalita ng AFP, gagawaran si Admiral Harris ng full military honors bago niya makadaupang palad sina Secretary Gazmin at General Iriberri bukas. Darating ang panauhin sa Campo Aguinaldo bukas ng ikalawa ng hapon.
Ani Colonel Detoyato, magiging mahalaga ang mga paksang pag-uusapan ng magkabilang panig. Wala naman siyang binanggit kung may kinalaman ito sa mga isyu sa South China Sea.
Bahagi ng kanyang pagdalaw sa Pilipinas ang pagbisita sa Western Command sa Palawan at makakausap din si Vice Admiral Alexander Lopez. Ang Western Command o WesCom ang nakakasakop sa bahagi ng South China Sea o West Philippine Sea.
Nahirang si Admiral Harris sa kanyang bagong assignment noong nakalipas na Mayo. Batid umano ni Admiral Harris ang nagaganap sa kanyang nasasakupan, dagdag pa ni Col. Detoyato.
.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |