|
||||||||
|
||
Imports ng Pilipinas lumago sa pinakamataas na antas sa taon
NAKABAWI at lumago ang imports ng Pilipinas sa taong ito at natamo ang 22.6% noong nakalipas na Hunyo at nakabawi mula sa tatlong sunod na buwan ng pagliit mula noong Marso. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority (NEDA) ngayon.
Ang Philippine Statistics Authority ay nakapagbalitang ang paggasta para sa mga inangkat na paninda ay umabot sa US$ 5.9 bilyon noong Hunyo at mataas kung ihahambing sa US$ 4.8 bilyon noong Hunyo ng taong 2014.
Ang pagbawi ay nagmula sa increase sa imports ng raw materials at intermediate goods (49.2%), capital goods (23.8%), consumer goods (13.1%) na siyang dahilan ng pagwai sa bumabang import value ng mineral fuels at lubricants.
Ayon kay Secretary Arsenio M. Balisacan, ang paglago ng import payments ang senyal ng pag-unlad ng external environment. Sa pagpasok ng mas maraming raw materials, makaaasa ang Pilipinas na mas matatag na kaunlaran sa domestic production samantalang ang pagbili ng capital goods ay nagpapakita ng positibong investor confidence.
Nanguna ang Pilipinas sa mga nasuring ekonomiya sa silangan at timog-silangang Asia sa larangan ng imports growth noong Hunyo ng 2015. Maliban sa Vietnam, ang lahat ng mga bansang ito ay kinatagpuan ng pagbaba ng kanilang imports sa parehong panahon.
Samantalang, ang overseas spending para sa consumer goods ay lumago at natamo ang halagang US$ 807 milyon noong Hunyo ng 2015 mula sa US$ 713.4 milyon noong Hunyo ng 2014 dahilan sa increased pauments para sa durable goods partikular sa mga kotse at motorsiklo na nagpapakita ng upbeat performance para sa automotive industry.
Naunang ibinalita ng Chamber of Automotive Manufactureres of the Philippines at Truck Manufacturers Association, may 9,840 mga kotse ang naipagbili noong Hunyo ng 2015. Mas mataas ito sa 8,278 units na nabili noong Hunyo ng 2014 at maliwanag ang dagdag na 19%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |