|
||||||||
|
||
Katatagan ng kinikita ng pamilya, makakasugpo sa child labor
ANG pagkakaroon ng matatag at maasahang kita ng pamilya ang siyang pipigil sa pagpasok ng mga kabataan sa daigdig ng paggawa. Ito ang sinabi ni Labor and Employment Undersecretary Ciriaco Lagunzad III sa idinaos na "Kapihan sa Patakarang Pang-Edukasyon at Paggawa" sa Occupational Safety and Health Center.
Isa si Undersecretary Lagunzad sa mga nagbahagi ng kanilang mga pananaw hinggil sa paksang mahalaga sa bansa at lipunang Filipipo.
Sa panig ni G. Giovanni Soledad ng International Labor Organization, sinabi niyang maganda ang nagawa ng lipunang Filipino sa pgsugpo ng isang balakid sa pag-aaral at paglalaro ng mga kabataan. May mga kabataang Filipino na nagtatrabaho sa mga minahan, sakahan at mga palakaya.
Nabawasan ang mga kabataang nasa mapapanganib na hanapbuhay dahil sa mga ipinatutupad na batas ng pamahalaan.
Samantalang, sinabi ni Bb. Rose Domingo ng Bureau of Secondary Education sa National Capital Region na isang problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon ang kahirapan, lalo na sa mga lalawigan.
Totoo rin ang kinalabasan ng mga pagsusuring karamihan ng mga kababaihan ang tumutulong na lamang sa kanilang mga magulang samantalang ang kalalakihan ay nawawalan na ng interes sa pag-aaral. Layunin nilang manatili ang mga kabataan sa mga paaralan upang matapos at magkaroon ng matatag na hanapbuhay.
Tampok din sa pagtitipon ang patumpalak na punamagatang "Batang Malaya Quiz Bee" at "Sabayang Pagbigkas para sa Batang Malaya." Lumahok sa mga patimpalak ang mga kabataan mula sa 33 mga paaralan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |