|
||||||||
|
||
National Food Authority, nagbabala sa mga negosyante ng palay
BINALAAN ni NFA Administrator Renan B. Dalisay ang mga rice traders na maging maingat sa mga taong nagpapakilalang mga opisyal ng kanilang ahensya na nangangalap ng salapi sa pangakong mapapadali ang pagpoproseso ng import permits sa ilalim ng minimum access volume (MAV) importation.
Ayon kay G. Dalisay ng may mga balitang nakarating sa kanya na may isang taong ginagamit ang kanyang pangalan sa pangangalap ng salapi sa mga rice trader na nag-apply na maka-angkat sa ilalim ng minimum access volume. Walang sinumang autorisadong mangalap ng salapi at gumamit ng kanyang pangalan. Bukas umano ang National Food Aurthority sa lahat upang makita ang mga transaksyon ng tanggapan.
Ipinaliwanag pa niyang sa taong 2015, ang Minimum Access Volume at 805,200 metric tones sa ilalim ng country specific quota at omnibus origin na mayroong 35% tariff. Ang volume of importation at general guidelines ay nailathala na sa mga pahayagan at maging sa NFA website na naglalaman ng eligibility requirements, pinapayagang uri ng bigas, at pagpapalabas ng certificate of eligibility, validation of documents, processing fees at iba pang mga kalakaran.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |