![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Senate President Drilon, nababahala sa mahinang paggasta ng pamahalaan
NANINIWALA si Senate President Franklin M. Drilon na makasasama ang hindi paglalabas ng salapi ng pamahalaan sa layuning makamtan ang inaakalang economic growth sa taong ito. Nakakagulat umano ang underspending na ginagawa ng pamahalaan ngayon.
Sa isang pahayag, bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Office at National Economic and Development Authority ang nag-ulat na ang gross domestic product (GDP) ng ikalawang kwarter ng 2015 ay 5.6% na mababa sa naitalang datos noong nakalipas na taon.
Ipinagtatanong ni G. Drilon sa economic managers kung ang target GDP na mula 7% hanggang 8% ay posible pang makamtan. Ikinalungkot niya na ang kalakaran ng paggasta ng pamahaaan na taliwas sa sinasabi nito.
Nabahala rin si Senador Drilon sa sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan na hindi na makakamtan ang naunang target sa pagtatapos ng 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |