![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pagkakaibigan ng Thailand at Pilipinas, umabot na sa 66 taon
PATULOY na magiging malalapit na magkapitbahay ang Pilipinas at Thailand lalo pa't dumalaw sa Pilipinas is General Prayut Chan-O-Cha sa paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino.
Sa pinag-isang pahayag, sinabi ng magkabilang-panig na sinuri ng dalawang pinuno ng bansa ang kalagayan ng bilateral relations na umabot na sa 66 taon na kinatampukan ng malawakang pagtutulungan at pagkakaibigan sa paglagda ng Pilipinas sa Treaty of Friendship noong 1949.
Binati ng dumadalaw na pinuno ng Thailand ang Pilipinas sa tagumpay na pagpapatupad ng kanyang pananaw at adhikain na tungo sa pinag-isang economic community.
Bukas ang naging talakayan ng dalawang pinuno ng kani-kanilang pagtutulungan tulad naaayon sa kanilang kasunduan. Nabanggit din ang Philippines-Thailand Energy Forum na nagpulong na ngayong buwang ito. Kabilang sa mga paksang pinag-tuunan ng pansin ang relasyon sa larangan ng ekonomiya, seguridad, kultura, atbp.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |