NILAGDAAN ni Justice Secretary Leila de Lima ang tatlong pahinang kautusan na nag-aatas ng pagbuo ng isang lupon ng mga taga-usig upang alamin ang detalyes ng mga pagpaslang sa mga Lumad.
SAklaw ng kautusan ang pagsisiyasat sa mga insidente sa Davao del Norte, Bukidnon at Surigao del Sur. Aalamin din nila ang tensyong nagaganap sa United Church of Christ in the Philippines sa Davao City.
Limang taga-usig mula sa National Prosecution Service at 11 katao mula sa National Bureau of Investigation ang makakasama. May 60 araw ang lupon na magsumite ng kanilang ulat.
1 2 3 4