|
||||||||
|
||
Mga pagamutan, kailangang itayo sa mga tourist spot
HINILING ni Congressman Erope John M. Amante ng Agusan del Sur sa kanyang House Bill 6070 na kailangang mapalakas ang emergency preparedness sa sektor ng turismo. Layunin niyang magkaroon ng mga pasilidad na may kakayahang at mga tauhan at sapat na kagamitan.
Ilang turista na umanong nasawi sa Boracay Island, sa Leyte at sa Coron dahilan sa kakulangan ng tourist facilities. Sa kakulangang ito, napapasama ang imahen ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Amante na ang tourism industry ay madalas nahaharap sa emergency sapagkat may mga turistang mahilig sa mga mapapanganib na gawain tulad ng paglalangoy at pagsisid, pag-akyat sa mga kabundukan at iba pa.
Kailangang magtulungan ang mga Kagarawan ng Kalusugan, Interior at Turismo sa pagkilala sa mga pook na mangangailangan ng mga pasilidad na kikilalaning "Tourism Health Facilities."
Kailangang makatugon ang mga pasilidad na ito sa emergency cases at makagamot ng karaniwang mga karamdaman, maglinis ng mga sugat at galos at kailangang magkaroon ng ambulasya, sea ambulance o helicopter na maipadadala sa malalayong pook na madalas dalawin ng mga turista.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |