|
||||||||
|
||
Justice Secretary de Lima, nagpa-alam na sa mga kasama
EMOSYONAL si Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang pagpapa-alam sa kanyang tanggapan na kanyang pinaglingkuran sa higit sa limang taon. Sa kanyang pamama-alam, pagtatangkaan naman niyang pumasok sa larangan ng politika.
Inaasahang makakasama si Secretary de Lima sa senatorial line-up ng Liberal Party na ihahayag sa susunod na linggo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng kalihim na ipinagmamalaki niya ang kanyang paglilingkod sa Kagawaran ng Katarungan sapagkat magagaling at may kakayahang manggagawa ang kanyang nakasama.
Napadali naman umano ang case disposition mula sa 75% noong 2010 hanggang sa natamo ang 80% noong 2014. Sa larangan ng prosecution rate, mula sa 68% noong 2010 at natamo na ang 73% noong 2014.
Magkakaroon din ang Department of Justice ng P 54 milyon para sa operational expenses at P48 milyon para sa karagdagang mga tauhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |