|
||||||||
|
||
"Jenny" isa nang severe tropical storm
ISANG severe tropical storm si "Jenny" o "Dujuan" mula kaninang hapon. Ito ang ibinalita ng PAGASA, ang weather bureau ng Pilipinas
May lakas itong 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 120 kilometro bawat oras.
Kumikilos siya sa bilis na pitong kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran-hilagang-kanluran at na sa layong 1,180kiloemtro sa silangan ng Aparri, Cagayan. Lalabas ang sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility sa darating na Lunes.
Sa pagkakaroon ng sama ng panahong ito, iigting ang panahong habagat sa Kabisayaan at Mondanao.
Magkakaroon ng mga pagkulog at pagkidlat sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at Zamboanga Peninsula.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |