|
||||||||
|
||
20150930 Melo Acuna
|
NAGKAKAISANG sinabi ng mga economic manager ng Pilipinas na ang mga kabataang Filipino ang magiging susi ng kaunlaran sa bansa mula ngayong 2015 hanggang 2050.
Sa isang pahayag, sinabi ng economic managers na mapapabilis, mapapatatag at magiging malawakan ang kaunalaran sapagkat mayroong tinaguriang "demographic window" na nangangahulugang karamihan ng mga mamamayan ay may kakayahang magtrabaho kaya't higit na sisigla ang productivity.
Upang maganap ito, kailangan ang pagkakaroon ng magandang uri ng manggagawa at magandang investment climate na nangangahulugan ng mas maganda at maaasahang mga pagawaing-bayan.
PHILIPPINE ECONOMIC MANAGERS. Nagpakuha ng larawan ang mga economic manager ng bansa sa pagtatapos ng Philippine Economic Briefing kanina sa Philippine International Convention Center. Kasama sa larawan sina Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, BSP Governor Amando Tetangco, Jr., Finance Secretary Cesar Purisima at Education Secretary Armin Luistro. (BSP Photo)
Sa ika-28th Philippine Economic Briefing na may temang "Shaping Our Future", nabanggit ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. na kailangang gumastos ang pamahalaan sa mga mamamayan nito at pagpapayabong ng mga pagawaing bayan kasabay ng pagpapanatili ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan.
Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, chair ng Economic Development Cluster, ang kanyang kagawaran ay nakikiisa sa pinag-isang tugon ng pamahalaan sa pagpapayabong ng human capital at pagpapalakas ng pagawaing-bayan.
Umaasa si G. Purisima na ang Pilipinas ang siyang magiging pinakamalaking ekonomiya sa Timog Silangang Asia sa taong 2050 sa pamamagitan ng investments sa sariling mga mamamayan at sa pagawaing bayan na titiyat na magkakaroon ng inclusive at sustainable growth.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |