Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kabataang pag-asa ng bayan

(GMT+08:00) 2015-09-30 18:15:14       CRI

Philippine Stock Exchange naging mabuway sa mga nagaganap sa labas ng bansa

MABUWAY ANG STOCK MARKET.  Ito ang sinabi ni G. Hans B. Sicat, ang Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Stock Exchange sa isang panayam kanina.  Ang mga yumanig sa stock market ay ang mga nagaganap sa ibang bansa, dagdag pa ni G. Sicat.  (Melo M. Acuna)

MABUWAY ang Philippine Stock Exchange sa nakalipas na ilang buwan matapos lumabas ang iba't bang pangyayari sa labas ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni G. Hans B. Sicat, pangulo ang chief executive officer ng Philippine Stock Exchange sa isang panayam kanina bago nagsimula ang Philippine Economic Briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Naganap ito sa pagpapababa ng halaga ng Renmenbi ng Tsina may isang buwan at kalahati na ang nakalilipas. Nangamba rin ang daigdig sa nabalitang paggalaw ng interest rates ng Estados Unidos.

Apektado ang Pilipinas sa mga naganap na ito. Nagkaroon ng over-reaction ang merkado kahit pa matatag ang market fundamentals ng bansa. Mas mababa ang alinmang kaunlarang matatamo ng Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit bansa.

Mas magiging matatag ang ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ang paggasta ng susunod na administrasyon sa mga pagawaing bayan at kung magiging patas sa pagpapatupad ng regulasyon. Mas magiging maganda ang mga alituntunin kung higit itong gagawing simple at nang hindi na mahirapan pa ang madla.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>