|
||||||||
|
||
Magagandang magaganap sa Pilipinas sa pagtustos sa mga mamamayan
MAY magandang kinabukasang nakalaan para sa Pilipinas sa paggasta ng pamahalaan para sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa kanyang pagsasalita sa Philippine Economic Briefing kanina.
Sa unang bahagi ng 2015, lumago ang ekonomiya ng 5.3% kahit pa mas mababa ito sa inaasahang makakamtan ng pamahalaan. Naniniwala sila sa NEDA, malaki pa ang posibilidad na makamtan ang 6.0% real GDP growth ngayong 2015.
Sa oras na makamtan ito, titingkad ang imahen ng Pilipinas bilang isa sa pinakamagaling na performers sa mga umuunlad na ekonomiya sa likod ng pandaigdigang pagbagal ng kalakalan. Sa pagbawi ng advanced economies, ang kaunlaran ng Pilipinas ay posibleng makarating sa 7%.
Lumago ang ekonomiya ng bansa sa average na 6.2% sa nakalipas na limang taon, ang pinakamalaki mula noong 1970. Umaasa rin si Kalihim Balisacan na magiging matatag ang kaunlaran sa pagyabong ng ambag sa kauynlaran ng capital formation sa demand side. Noong nakalipas na 2014, ang ratio ng fixed capital formation to GDP ay nakarating na sa 21.5% muls ds 28.7% noong 2009.
Sa supply side, lumalago ang industriya, partikular ang local manufacturing at maging sa services sector, sa pamamagitan ng business process management at tourism-related subsectors. Ang pagkakaroon ng structural transformation, ayon pa kay Kalihim Balisacan, ay napakahalaga sa pagpapatatag ng economic growth at pagkakaroon ng nga may-uring hanapbuhay.
Ibinalita pa ni G. Balisacan na mababa at matatag ang inflation at napapaloob sa government target. Ang interest rates ay pabor sa mga mangangalakal at matipuno ang buong banking system. Maganda rin ang external position ng Pilipinas at ang current account surpluse ay nasabayan ng maaasahang padalang salapi mula sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa, kita ng business process outsourcing at lumalagong kita mula sa turismo.
Sa larangan ng public-private partnership, may 12 mga proyektong nagkakahalaga ng P 285 bilyon o 2% ng Gross Domestic Product ang ipinatutupad na. Mayroon pang 41 mga proyekto ang isinasaayos pa. Kinabibilangan ito ng 13 mga proyekto na nagkakahalaga ng P 514 bilyon o 4% ng Gross Domestic Product ang sumasailalim ng procurement.
Ibinalita pa ni Kalihim Balisacan na pinasigla pa ang Conditional Cash Transfer upang higit na madagdagan ang makikinabang, ang mga nasa high school at ang beneficiary families.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |