|
||||||||
|
||
Red Cross, handa na rin
BUKAS ang operations center ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong City kasama ang iba't ibang chapter sa dadaanan ng bagyo, partikular sa Cagayan at Isabela.
Ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ang nagpakalat na ng mga tauhan kasama ang tauhan ng Philippine Red Cross patungo sa Nueva Ecija kahapon pa ng umaga upang suportahan ang madaliang pagtugon at kagyat na pagsusuri sa pinsala at pagbabantay sa nagaganap sa mga apektadong pook.
Suportado ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ang Philippine Red Cross sa paghahanda ng mga emergency relief stocks tulad ng emergency shelters, latang magagamit na imbakan ng tubig, banig, hygiene kits at kulambo. Handa ng ipamigay ang may 1,500 emergency relief stocks para sa mga mamamayan ng Cagayan, Isabela at Aurora.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |