|
||||||||
|
||
May 207 libong tahanan, walang kuryente dahil kay "Lando"
UMABOT sa apat na porsiyento o may 207,000 customers ng Manila Electric Company ang walang kuryente dahil sa bagyong tumama sa Luzon. Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na 24 mula sa 707 sirkito ang hindi magamit kungdi ma'y mayroong pinsalang natamo dahil sa bagyo.
Ang pinaka-apektadong mga pook sa saklaw ng Meralco ay ang Cavite, Bulacan at Rizal. Inaalam pa ng Meralco ang pangkalahatang larawan at mabatid ang pinsala sa mga poste, transformer, mga kable at subtransmission lines. Idinagdag pa nila na inaayos na nila ang mga napinsalang pasilidad at umaasang maibabalik ang kuryente bago matapos ang maghapon. Depende ang pagbabalik ng kuryente sa dami ng basurang nararapat alisin at ang lawak ng pinsala sa pasilidad mismo ng Meralco.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, humihingi sila ng unawa mula sa mga customer. Nanawagan na rin siyang maging maingat lalo pa kung mayroong baha. Kailangang isara ang circuit breaker sa oras na bumaha at maalis sa pagkakasaksak ang lahat ng electric appliances.
Wala namang binanggit kung gaano ang naging pinsala ng bagyong "Lando" sa kanilang mga pasilidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |