|
||||||||
|
||
Domestic at international flights, naantala
HIGIT sa 50 international at domestic flights ang apektado dala ng bagyong si "Lando". May 18 ang nakansela samantalang nabalam ang pag-alis at pagdating ng ibang mga eroplano.
Ayon sa Manila Interantional Airport Authority, kanselado ang Philippine Air Lines flights sa pagitan ng Maynila at Laoag, Maynila at Basco, Batanes, Maynila at Tuguegarao, ang Ceu pacific-Tiger Airways sa pagitan ng Maynila at Naga.
Kanselado rin ang Cebu Pacific flight sa pagitan ng Maynila at Tuguegarao, Maynila at Virac, at ang biyahe sa pagitan ng Maynila at Pagadian City.
Nabalam ang may 39 na flights mula Singapore, Hong Kong at Japan. Kabilang sa naantala ang jet Start flight mula Singapore, ang biyahe patungong Kansai Osaka at ang Cebu Pacific flight patungong Hong Kong.
Ang iba pang apetkado ay ang biyahe ng PAL at Cebu Pacific patungong Tagbilaran, Cagayan, San Jose Mindoro, Cebu, Ozamiz, Butuan, Bacolod at Roxas at Zamboanga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |