|
||||||||
|
||
151020melo.mp3
|
Labing-dalawa katao nasawi sa bagyong "Lando"; maraming lumikas
DAANG LIBONG mamamayan ang lumikas sa pamiminsala ni "Lando" sa ilang lalawigan ng Hilagang Luzon. May 12 katao ang nasawi ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa isang press briefing kanina.
Sinabi ni Bb. Romina Marasigan ng NDRRMC, na nagmula ang mga nasawi sa Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Ifugao, Benguet at National Capital Region.
Idinagdag pa ni Bb. Marasigan na mayroong 290,797 katao mula sa 60,170 mga pamilya ang paektado ng bagyo.
Mayroon ding 70,503 katao ba mula sa 15,603 pamilya ang nananatili sa may 376 na evacuation centers sa anim na rehiyong binubuo ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, Cordillera Administrative Region at National Capital Region. Ang mga lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Kalinga at Mountain Province ang nakaranas ng kawalan ng kuryente dahil sa mga natumbang poste. Sa pagkakaroon ng mga pagbaha, gumuho ang lupa at natumba ang mga puno kaya't may 73 lansangan at 27 mga tulay ang 'di madaanan.
Nagkakahalaga naman ng P 182,714,203.27 ang pinsala sa pagsasaka.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |