|
||||||||
|
||
Mayor at anak, pinaslang sa Agusan del Sur
KINONDENA ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang walang katuturang pagpaslang kay Mayor Dario Otaza at sa kanyang 27-taong-gulang na anak na si Daryl sa Butuan City na dinukot kagabi.
Naglingkod ang punongbayan sa Loreto, Agusan del Sur ang biktima.
Sa isang pahayag, tiniyak ni G. Sarmiento na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang makamtan ang katarungan sa mga pagpaslang. Natagpuan ang mga labi ng mag-amang nakagapos at tadtad ng bala sa Barangay Bitan-agan ng mga kawal mula sa 23rd Infantry Battalion ng Philippine Brigade.
Natagpuan ang kanilang mga labi ilang oras matapos dukutin ng mga pinaghihinalaang mga rebelled sa Butuan City kagabi. Nagpanggap ang mga armado na mga tauhan ng National Bureau of Investigation na karaniwang ginagawa ng mga rebelled.
Isang dating kasapi ng NPA, sumuko si Otaza sa pamahalaan noong 1986 at pumasok sa politika.
Sinabi ni G. Sarmiento na mula ng maging opisyal ng pamahalaan, nanawagan na siya sa kanyang mga kasamahang lisanin ang kilusan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |