|
||||||||
|
||
Mas mahabang pag-aaral, 'di pa nakatutugon sa pangangailangan ng manggagawa
ANG pagpapa-unlad ng edukasyon sa pagkakaroon ng mas mataas na kakayahan ng mga mag-aaral ay makapagdudulot ng mga benepisyo sa mga umuunlad na bansa sa Asia sa mga susunod na dekada.
Ito ang nabatid ng Asian Development Bank sa isang bahagi ng Key Indicators for Asia and the Pacific 2015 sa lathalain nilang kalalabas pa lamang ngayon. Halos nadoble ang panahong ginugugol ng mga kabataan sa pag-aaral mula noong 1970 hanggang 2010 kaya't nagkaroon ng ganansya sa literacy at nakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Napuna rin na hindi ito sapat upang magkaroon ng mga manggagawang may makakatugon sa pangangailangan ngayon at sa susunod na mga panahon.
Sinabi ni Shang-Jin Wei, ang chief economist ng Asian Development Bank na kulang pa rin ang kakayahan ng mga kabataan at nananatili pa ang skills mismatch sa mga umuunlad na bansa.
Ang pagtugon sa problemang ito ay karaniwan sa mga umuunlad na ekonomiya sa Asia at makakadagdag sa 20 taon kung ang kakayahan ay hindi na madaragdagan tulad ng mga nagaganap sa mauunlad na ekonomiya.
Gumamit ng datos ng education indicators sa may 67 bansa sa buong daigdig kabilang na ang 23 sa developing Asia and the Pacific upang magkaroon ng angkop na larawan ng basic educational systems. Nakikita na sa pag-unlad ng kakayahan, lalo na ng cognitive skills sa pagsulat, pagbabasa, pagbibilang at problem-solving capacilities ang makakadagdag sa growth prospects ng mga bansa sa rehiyon.
Sinuri ang mga paraan upang magkaroon ng sapat na kakayahan ang mga mag-aaral sa mga pagsubok at mga nagagawa ng mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan. Ang pagpapayabong ng curriculum at early child education ay makakadagdag sa kakakayahan. Gumagastos ang mga bansa sa Developing Asia ng higit sa US$ 1.2 trilyon noong nakalipas na taon para sa edukasyon.
Napuna nga lamang sa ulat na ang mas mataas na gastos ay hindi garantiya sa skills development.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |