|
||||||||
|
||
Pinsala ni "Lando" sa sektor ng pagsasaka, P 5.9 bilyon
SINABI ng Kagawaran ng Pagsasaka na umabot sa P5.9 bilyon ang pinsala sa mga pananim dulot ng bagyong "Lando." Naganap ito sa pinsalang natamo sa may 277,060 ektarya ng mga sakahan sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera regions.
Ayon kay Undersecretary Emerson Palad, bahagi pa lamang ito ng kabuuhang halaga. Tinataya ng Kagawaran ng Pagsasaka na nawala na ang may 386,000 metriko toneladang palay. Sa pinsalang natamo, nagkakahalaga ito ng P5.3 bilyon.
Napinsala rin ang mga maisan sa pagkawala ng 5,600 metriko tonelada at high value crops na nawalan ng 21,800 metriko tonelada. May P 84.5 milyon ang nawala sa mga maisan samantalang P 529.9 milyon ang nawala sa high value crops. Umabot naman sa P 517,000 ang nawala sa hayupan.
Sa Central Luzon, ang pinakamalaking pinagkukunan ng bigas, ay nawalan ng 326,000 metriko tonelada at sinundan ng Cagayan Valley na nawalan ng 23,000 metriko tonelada.
Kabilang sa high-value crops ang mga gulay na nagmula sa Cordillera na nawalan ng 339 metriko tonelada na mas mababa sa 19,000 metriko tonelada sa Central Luzon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |