|
||||||||
|
||
151103melo.mp3
|
Special Report: (Laglag-Bala sa Paliparan) : Paghahanda para sa APEC ginagawa na; flight cancelations tila 'di maiiwasan
OFW, HINDI NABABAHALA SA LAGLAG-BALA. Sinabi ni "Dario" isang manggagawang Filipino na patungong Saudia Arabia na wala siyang pangamba sapagkat wala siyang dalang bala sa kanyang mga bagahe. Maraming nababahala sa pagkakaroon ng sinasabing "laglag-bala scam" sa Paliparang Pampansa ng Ninoy Aquino sa nakalipas na ilang araw. (Melo M. Acuna)
BALOT NG MASKING TAPE AT PLASTIC ANG CHECK-IN LUGGAGES. Mula ng kumalat ang "laglag-bala scam" sa NAIA, maraming naglalakbay ang nagbalot ng kanilang mga maleta ng masking tape at plastic upang 'di mabuksan at matamnan ng bala. (Melo M. Acuna)
KARANIWAN ANG BODY SEARCH SA PALIPARAN. Ito ang karaniwang nagaganap sa mga pasaherong pumapasok sa paliparan upang maglakbay. Bukod sa metal detectors, mayroong body search upang malaman kung may mga dalang kagamitang ipinagbabawal. (Melo M. Acuna)
SCREENING MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD. Bukod sa karaniwang security check. dumaraan sa x-ray screening ang mga bahae at nalalaman kung mayroong mga bawal na kargamento. Dito nakikita ang mga balang dala umano ng mga pasahero. (Melo M. Acuna)
SA likod ng mga balita hinggil sa laglag-bala sa paliparang pandaigdig ng Ninoy Aquino, tuloy ang paghahanda ng Manila International Airport Authority para sa darating na Asia-Pacific Economic Community summit sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Ipinaliwanag ni General Honrado na tatlong alternatibo ang kanilang pinag-aaralan kung paano maiibsan ang problema ng mga maglalakbay sa pagsapit ng APEC summit meeting.
Sa darating na Huwebes idaraos ang ikalima sa anim na pagpupulong ng mga opisyal ng iba't kinatawan ng mga kumpanya ng eroplano at iba pang stakeholders. May tatlong posibilidad na magagawa sa pagsapit ng APEC summit meeting. Magiging abala ang paliparan sa ika-16 hanggang ika-17 ng Nobyembre sa pagdating ng mga panauhin at mula ika-19 hanggang ika-20 ng Nobyembre sa kanilang paglisan.
Una ay ang pagkansela ng lahat ng biyahe samantalang may pagpupulong na nagaganap sa Metro Manila. Kanselado na ang mga paglalakbay ng KLM, Philippine Air Lines at Cebu Pacific. Nabalita na rin umano ang pakikiisa ng Air Asia. Pangalawa ang pagpapabalam ng paglipad at paglapag ng mga eroplano at ang pangat ang pagpapalipad at pagpapalapag ng ma eroplano sa mga kalapit na paliparan.
Ipinaliwanag ni General Honrado na kung mababalam ang mga paglalakbay, bukod sa mga kumpanya ng eroplano ang apektado, apektado rin ang mga pasahero na matatagalan sa paliparan.
Kung magkakaroon ng diversion tulad ng sa Clark International Airport, mangangailangan ng espesyal na sasakyan para sa may 300 katao sa bawat flight mula sa Angeles City hanggang sa Metro Manila. Mabuti na lamang kung pawang handcarried luggages ang dadalhin ng mga pasahero. Hindi niya umano nakikita na pababayaan na lamang ang mga pasahero at kanilang mga bagahe sa tabing-daan.
Tiniyak niyang magiging kaaya-aya ang paglalakbay ng may 7,000 mga delegado sa darating na APEC summit leaders' meeting. Obligasyon ng MIAA na salubungin, tiyaking ligtas ang paliparan at matulungang makaalis ang mga panauhin sa darating na ilang linggo.
Sinabi ni retired General Jose Angel Honrado, ang general manager ng MIAA, na matagal na nilang sinuri kung nabalitang laglag-bala saang bahagi ng pagpasok ng mga kargamento nagkakaroon ng pagpupuslit ng bala. Mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa Pilipinas ang pagkakaroon ng bala at pampasabog.
Ipinaliwanag niyang sinuri na nila ang sistema mula sa pagpasok ng isang pasaherong naglalagay ng kanyang kargamento sa x-ray machine. Sa pagdaan nito sa x-ray machine, makikita kung mayroong kaduda-dudang laman ang maleta o bag o kahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |