|
||||||||
|
||
mp3151119cut.mp3
|
Pangulong Aquino, nagpasalamat sa tagumpay ng APEC 2015
NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa lahat ng sumuporta at umunawa sa pamahalaan sa pagiging punong-abala sa katatapos na APEC 2015.
Ito ang kanyang pahayag sa pagtatapos ng APEC 2015 Economic Leaders' Summit sa International Media Center. Sinabi niyang marami ring nagsakripisyo sa pagtatagumpay ng pagpupulong sapagkat libu-libong mga mamamayan ang naglakad at nagtiyaga sa hindi gumagalaw na traffic at pagkakasuspinde ng trabaho at klase sa mga paaralan.
Makikinabang ang mga mamamayan mula sa katatapos na pagpupulong.
Idinagdag pa niyang nagpapasalamat siya sa mga Filipinong nakiisa at sumuporta sa programa. Naniniwala siyang naunawaan ng mga Filipino ang bunga ng matagalang paghahanda.
Pinuri ng iba't ibang bansa ang ginawang paghahanda ng Pilipinas sa taunang pulong na ito. Higit umano sa 11,000 katao ang dumalo sa APEC Summit na doble ng bilang ng mga panauhin noong 1996.
Ang bilang ng mga panauhing ito ang siyang naging dahilan upang magkatrabaho ang 11,000 mga Filipino.
May mga nagprotesta at mga pulis na nasugatan sa mga sagupaang naganap sa pagtatangka ng mga demonstrador na makalusot sa mga barikadang inilagay ng mga pulis tungo sa pinagpupulungan ng mga pinuno ng iba't ibang bansa.
Maraming biyahe ng mga eroplano ang nakansela sa pagdating at pag-alis ng mga pinuno ng iba't ibang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |