|
||||||||
|
||
Pamahalaang Hapones, pinag-iibayo ang seguridad ng kanilang mga mamamayan
MAY sapat na programa ang Pamahalaan ng Japan upang mapangalagaan ang kanilang mga mamamayan. Ito ang sinabi ni Press Secretary Yasuhisa Kawamura sa isang press briefing.
Inatasan na ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga nasa Ministry ng Ugnayang Panglabas na atasan ang mga embahada sa iba't ibang bahagi ng daigdig na makipagbalitaan sa kanilang mga mamamayan.
Kasama na rito ang madalas na pag-uugnayan upang maging madali ang pagdalo sa kanilang mga pangangailangan lalo't magkaroon ng emerhensya. Sinabi na niya na naging mapagbantay ang kanilang pamahalaan sa mga naganap mula pa noong Enero ng taong ito kaya't mahalaga ang ugnayan ng mga mamamayan at ng kanilang mga embahada.
Sa naturan ding press briefing binasa niya ang pahayag ni Prime Minister Abe matapos ang malagim na pananalakay sa mga Frances noong nakalipas na Biyernes ng gabi, Sabado ng umaga sa Pilipinas at Japan.
Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang ganitong mga pagpatay at ipinarating ang kanilang pakikiramay sa mga naulila at mga nasugatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |