![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
151125melo.mp3
|
FoCAP, nakiisa sa paggunita sa Ampatuan Massacre
PATULOY na nanawagan ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa kinauukulan, partikular sa Hudikatura at Ehekutibo na madaliin ang paglilitis ng mga taong nasa likod ng karumal-dumal na krimeng ginawa anim na taon na ang nakalilipas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bb. Simone Orendain, pangulo ng samahan ng mga mamamahayag na mula sa iba't ibang ahensya sa sa daigdig, na nakikiisa ang FOCAP sa mga mamamahayag ng Pilipinas sa paghiling ng katarungan. Wala sa halos 200 mga akusado ang napapatunayang nagkasala, isa ang napalaya at naka-pagpiyansa at nabalitang kakandidato pa sa darating na halalaln. Marami sa mga akusado ang 'di pa nadarakip.
Isa sa mga akusado ang pumanaw na dahil sa karamdaman at nawalan ang mga akusado at mga biktima ng kanilang karapatang magkaroon ng madaliang paglilitis.
Isang pagyurak sa Karapatan ng Pamamahayag ang naganap na masaker anim na taon na ang nakalilipas at hindi kailanman mawawala sa gunita at ala-ala ng mga mamamayan.
Noong ika-23 ng Nobyembre 2009, 58 katao, kabilang na ang 32 mga mamamahayag at iba pang media workers ang pinaslang ng pigilan ang isang election convoy at pinaputukan ng may 100 armadong kalalakihang malapit sa mga Ampatuan.
Ayon sa ilang Human Rights groups, ilan sa mga saksi ang pinaslang na at pinatahimik. Hiniling ng mga human rights groups na itigil na ang walang katuturang mga pagpaslang sa mga saksi. Sapagkat malapit na ang halalan sa susunod na taon, kailangan lamang na madaliin ang pagtatapos ng usaping ito. Magbabantay ang FOCAP sa mga magaganap at patuloy na kokondena sa mga pananalakay sa mga mamamahayag sa iba't ibang bahagi ng bansa at daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |