|
||||||||
|
||
Foreign remittances, service sector kabilang na ang BPOs, malaki ang papel sa GDP ng bansa
MAHALAGA ang papel na ginagampanan ng foreign remittances mula sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa. Malaki rin ang bahagi ng kinikita mula sa business process outsourcing industry sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Asian Development Bank President Takehiko Nakao sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga sa kanyang tanggapan.
Umuunlad ang Pilipinas ng mas mas mabilis kung ihahambing sa mga kalapit-bansa sa ASEAN tulad ng Malaysia, Thailand, Singapore at Indonesia.
Ayon kay Ginoong Nakao, bagama't malaki ang papel ng foreign remittances, na karaniwang lumalampas sa US$ 20B sa bawat taon sa ekonomiya ng bansa, nararapat lamang na magkaroon ng mas marami at may uring hanapbuhay para sa mga Filipino upang huwag nang lumabas pa ng bansa. Idinagdag pa niyang isang malaking hamon para sa mga pamilya at maging sa maggagawa mismo ang pangingibang-bansa.
Kung kaunlaran ang pag-uusapan, tinataya ng ADB na magkakaroon ng 6.3% growth ngayong 2016 at mas mataas sa nakamtang 5.9% noong nakalipas na taon.
Isa sa mga hamong kinakaharap ng bansa ay ang 36.5% na unemployment rate, pagkakaroon ng 20% underemployment at youth unemployment rate na 25%. Ang tanong ay kung paano magkakaroon ng trabaho ang mga Filipino nang hindi na kailangan pang mangibang-bansa.
Makikita rin ang kaunlaran sa Pilipinas sa pagtugon nito sa Millennium Development Goals tulad ng pagbaba ng national poverty index sa 25.8% noong 2014 mula sa 35% noong 1991. Ang bagong enrolment rate ay umabot na sa 94% bagama't ang target ay 100%. Higit sa kalahati ang nabawas sa infant mortality rate samantalang ikinabahala ni Pangulong Nakao ang pagtaas mula sa 209 noong 1992 sa 221 pagsapit ng taong 2011 sa maternal mortality rate.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |