|
||||||||
|
||
Padalang salapi noong Nobyembre, lumago
UMABOT sa US$ 2.4 bilyon ang naipadalang salapi ng mga Filipino mula sa iba't ibang bansa at kinakitaan ng paglago ng 3% kung ihahambing sa datos noong Nobyembre ng 2014.
Kung susumahin ang naipadalang salapi mula noong Enero ng 2015 hanggang huling araw ng Nobyembre, lumago ito ng may 3.4% at natamo ang halagang US$ 25.2 bilyon.
Ito ang ibinalita ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco. Natamo ang paglago mula sa land-based workers na may higit sa isang taong kontrata. Nakita ang paglago sa sektor ng ito ng may 4% at sa mga manggagawa sa karagatan at sa kalupaan nang may kontratang kung sa isang taon ng mayroong $ 2.5.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay lumago ng 3.2% kaya't natamo ang US$ 2.2 bilyon. Ang cash remittances sa unang 11 buwan ay umabot sa US$ 22.8 bilyon na mas mataas sa US$ 22 bilyon na nakamtan noong nakalipas na 2014.
Ang karamihan ng salaping naipadala sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan at Canada at Hongkong. Kung susumahin ang lahat ng salaping mula sa mga bansang nabanggit, aabot naman ito sa 79% ng total o kabuuhang halaga.
Ang mga manggagawa na nangibang-bansa ang siyang nagpapalutang sa ekonomiya. Mula Enero haggang Nobyembre, umabot sa 771,635 na pinagmulan ng 44% na naproseso ng Philippine Overseas Employment Administration.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |