|
||||||||
|
||
160107melo.mp3
|
SINABI ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa na hindi nararapat kasuhan si Pangulong Aquino hinggil sa Disbursement Acceleration Program. Ito ang kanyang sinabi sa mga kasapi ng Judicial and Bar Council o JBC sa pagsisimula ng dalawang araw na public interview para sa mga kandidato sa pagiging associate justice ng Korte Suprema.
Ayon kay Secretary Caguioa, sa kanyang pagkakabatid ng batas at segun sa datos na kanyang nalalaman, naniniwala siyang hindi dapat kasuhansi Pangulong Aquino dahil sa tinaguriang "operative fact doctrine" at "good faith."
Kabilang si Caguioa sa 16 na kandidato sa mababakanteng puesto ni Associate Justice Martin Villarama na pagreretiro sa ika-16 ng Enero dahil sa kanyang kalusugan.
Sa kabilang dako, ang mga may pakana, nagpatupad at may akda ng Disbursement Acceleration Program ay hindi makakalusot hanggang mapatunayan nila ang pagkakaroon nila ng "good faith."
Umalis si Caguioa sa pribadong sektor upang samahan si Pangulong Aquino noong 2010 bilang chief presidential legal counsel. Sinabi niyang hindi ang kanyang kaklaseng si Pangulong Aquino ang may akda, nagpatupad at may pakana ng DAP. Ginawa lamang niya ang kanyang gawaing magdesisyon kung aling mga proyekto ang nangangailangan ng pondo na pinapayagan naman ng batas.
Kahit umano ang Chief Justice ng Korte Suprema at ang Senate President ay pinapayagan ng batas na gumawa nito. Bagama't naniniwala siyang hindi nararapat kasuhan ang pangulo dahil sa DAP, inamin niyang sa panahon ngayon, posibleng makasuhan ang pangulo.
Tiniyak ni G. Caguioa na sa oras na maluklok siya sa Korte Suprema, hindi siya magiging tagapagtanggol ng patapos ng Aquino administration. Mananatili siyang indipendiente at walang kikilingan o magpapanatili ng utang-na-loob sa humirang sa kanya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |