Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Growth prospects, makakamtan ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-01-05 17:14:07       CRI

Growth prospects, makakamtan ng Pilipinas

GROWTH PROSPECTS, MAKAKAMTAN NG PILIPINAS. Ito ang ipinaliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. sa kanyang pagharap sa Tuesday Breakfast Club sa EdSA Plaza Shangri-La Hotel canine. Binabantayan din nila ang nagaganap sa Saudi Arabia na kinalalagyan ng maraming overseas Filipinos na nagpapadala ng dolyar sa Pilipinas. (BSP Photo)

TAUNANG PAGHARAP SA TUESDAY BREAKFAST CLUB NI GOVERNOR TETANGCO GINANAGAP. Tuwing unang Martes ng taon, humaharap at nagbabalita si Governor Amando M. Tetangco, Jr. ng mga nagaganap sa ekonomiya ng bansa. Kanina, ibinalita niya na malaking bagay ang paggasta ng pamahalaan sa ikatlong kwartier ng 2015 spagaat nakatulong ito sa ekonomiya. (BSP Photo)

NANINIWALA si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr., na makakaya ng Pilipinas na makamtan ang mithing kaunlaran sa likod ng mga kinakaharap na suliranin sa labas ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Tuesday Breakfast Club sa EdSA Shangrila Plaza Hotel kanina, sinabi niyang kinailangang manimbang ng Pilipinas sa mga nagaganap sa labas ng bansa at sa katatagan ng pamilihan sa loob ng bansa. Malaking hamon para sa mga pinuno ng iba't ibang bansa ang nagaganap sa daigdig sapagkat ang pandaigdigang ekonomiya ay hindi patas. Gumalaw ang pandaigdigang financial markets sa pagbasa o maling pagbasa sa pagbabago sa kalakaran ng US Fed sa pagtataas ng interest rates. Bumagsak din ang presyo ng langis samantalang sobra ang langis sa pamilihan kaysa sa pangangailangan ng madla. Pinangambahan ang deflation sa isang mahinang global environment.

Nakabawi at lumago sa 17.4% sa ikatlong kwarter ng 2015 ang gastos ng pamahalaan mula sa negative growth na 2.5% noong 2014. Matatag pa rin ang gastos ng mga Filipino mula sa magandang inflation environment at gumagandang employment conditions sa bansa kasabay ng matatag na financial system dahil sa mga repormang ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nanatiling na sa surplus ang external current account samantalang patuloy na gumanda ang external paymnets dynamics na nakapagsanggalang sa ekonomiya at domestic financial markets mula sa fianncial market volatility.

Idinagdag pa ni Governor Tetangco na ang current account position ay na sa US$5.6 bilyon o 2.6% ng GDP mula Enero hanggang Setyembre ng 2015.

Nanatiling matatag ang remittances mula sa overseas Filipinos na umabot na sa US$20.6 bilyon mula Enero hanggang Oktubre 2015. Ang international reserves na nagkakahalaga ng US$ 80.6 bilyon sa pagwawakas ng Nobyembre 2015 na kahalintulad ng 10.3 buwan ng import cover.

Ang external debt-to-GDP ratio ay nagpatuloy na gumanda at umabot sa 26.0% hanggang sa pagtatapos ng Setyembre 2015 mula sa 50.2% noong 2006.

Sa pagtahak ng taong 2016, sinabi ni Governor Tetangco na binabantayan ng Pilipinas ang nagaganap sa major emerging market economies tulad ng Tsina, ang major advanced economies tulad ng Estados Unidos, Euro area at Japan. Ang mga ekonomiyang ito ang major trading partners ng Pilipinas kaya't mahalagang makita ang magaganap ngayong 2016.

Binabantayan din nila sa Bangko Sentral ang epekto sa bilis at tindi ng interest rate adjustments ng US Federal sa epekto nito sa global capital flows, paggalaw ng exchange rates at implikasyon sa domestic financial asset valuations at domestic debt na mayroong re-pricing at refinancing.

Minamatyagan din nila ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at ang epekto nito sa oil-exporting economies na kinalalagyan ng karamihan ng Overseas Filipinos tulad ng Saudi Arabia. Magkakaroon din ito, ani Governor Tetangco ng epekto sa pandaigdigan at pambansang inflation.

Sa loob ng bansa, pinangangambahan ni Governor Tetangco ang epekto ng El Nino at ang magaganap na pambansa at local elections na magiging dahilan ng pagbabago sa pananaw ng daigdig sa growth prospects ng Pilipinas.

Gagawin din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang trabaho nito upang maging matatag ang price at financial stability. Babantayin din ng Bangko Sentral ang inflation process.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>