|
||||||||
|
||
160121melo.mp3
|
Commission on Elections, naglabas na ng bahagi ng talaan ng mga kandidato
WALO ang nakatalang mga kandidato sa pangkapangulo sa darating na Mayo. Ayon sa Commission on Elections, ang Certified List of Candidates ay isang initial list pa lamang at isasailalim sa editing.
Tinawagan din ang mga kandidato na alamin ang pagkakatala ng kanilang mga pangalang ililimbag at lalabas sa mga balota. Ang anumang kahilingan ng correction, kung papayagan, ay ipadadala sa Regional Election Director sa pamamagitan ng liham hanggang sa ika-21 ng Enero. Isusumite naman ito sa Law Department ng Commission on Elections sa pinakamadaling paraan. Aalamin ng Law Department kung papayagan ang kahilingan para sa correction. Ang talaan ay ibabase na rin sa kalalabasan ng iba't ibang usaping nasa Commission.
Ang mga pangalang nakatala ay tulad ng mga sumusunod, alphabetically arranged. Binay, Jojo UNA; Defensor Santiago, Miriam PRP; Duterte, Rody PDPLBN; Mendoza, Mel PMP; Poe, Grace IND; Roxas, Mar, DAANG MATUWID LP; Seneres, Roy WPPPMM at Valendia, Dante IND.
Mayroong anim na nakatalang kandidato sa pagka-bise presidente. Ang mga ito ay sina Cayetano, Alan Peter, IND; Escudero, Chiz IND; Honasan, Gringo UNA; Marcos, Bongbong IND; Robredo, Leni DAANG MATUWID LP at Trillanes, Antonio IV IND.
Samantalang, may 52 nakatalang kandidato sa pagka-senador. Magugunitang mula sa 52 kandidato, 12 lamang ang magwawagi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |