|
||||||||
|
||
160119melo.mp3
|
Abogado ni Senador Poe, inaming ginamit nga ang US passport
INAMIN ng kampo ni Senador Grace Poe na ginamit ng mambabatas ang kanyang American passport kahit mayroong pasaporte mula sa Pilipinas.
Sa oral arguments sa mga usaping nakahain sa Korte Suprema, sinabi ni Atty. Alexander Poblador na apat na ulit na ginamit ni Senador Poe ang kanyang US passport hanggang noong Marso ng 2010.
Sinabi ni Atty. Poblador na si Poe ay isang dual citizen noon at may karapatang gumamit ng kung anong gusting gamiting pasaporte.
Sa pagtatanong, niliwanag ni Justice Mariano Del Castillo na ang isang dual citizen ay hindi papayagang maging pangulo ng bansa.
Sumagot ang abogado ng kandidata na hindi na ginamit pa ng mambabatas ang kanyang pasaporte mula sa Estados Unidos matapos niyang talikdan ang kanyang American citizenship.
Ayon sa abogado na huling ginamit ni Senador Poe ang kanyang US passport noong Marso 2010 at tinalikdan niya ang kanyang American citizenship noong Oktubre 2010.
Inaasahang pagtutuunan ng pansin ng Korte Suprema ang legal at technical issues sa mga usaping inihain laban sa senadora.
Ang mga isyu laban sa mambabatas ay ang kanyang citizenship at residency sa oras na magkaroon ng oral arguments sa Korte Suprema sa disqualification cases laban sa kanya.
Tuloy pa rin ang oral arguments sa Korte Suprema hanggang sa isinusulat ang balitang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |