|
||||||||
|
||
Malacanang, nangakong tutulong sa pagdinig sa Senado
NANGAKO ang Malacanang na susuportahan ang paanyaya ng Senado ng Pilipinas sa pagpapaanyaya sa ilang mga opisyal ng Ehekutibo sa darating na Miyerkoles, ika-27 ng Enero.
Sa isang mensahe sa mga mamamahayag ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na bagama't hindi niya batid ang talaan ng mga inayayahan, nananatiling bukas ang pamahalaan sa pagtugon sa mga tanong hinggil sa naganap sa Mamasapano isang taon na ang nakalilipas.
Binanggit din ni Secretary Coloma na tutugon ang pamahalaan sa paanyaya ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs upang sagutin ang mga katanungan sa pagdinig sa interest ng transparency at public accountability.
Inanyayahan ng komite sina Secretary Coloma, Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., National Security Adviser Cesar Garcia, Jr., Defense Secretary Voltaire Gazmin at PNP Chief Ricardo Marquez.
Inanyayahan din sina dating Secretary Manuel Araneta Roxas II, dating PNP Chief Alan Purisima, dating AFP chief of staff General Gregorio Catapang, dating PNP Officer-In-Charge Leonardo Espina, acting PNP Intelligence Group Director Chief Supt. Fernando Mendez, Chief ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management Benjamin Magalong at dating PNP Special Action Force Director Getulio Napenas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |