|
||||||||
|
||
Song: "Home"
Hindi lamang mga mang-aawit mula sa 10 bansang ASEAN ang kalahok sa konsiyerto, kundi 10 mang-aawit din mula sa Tsina. Noong nakaraang episode, ibinida natin ang 17 taong gulang na si Aldrich Lloyd Talonding bilang Philippine participant. Pero, bukod sa kanya, mayroon pang isang 17 taong gulang na mang-aawit na mula naman sa Tsina: siya ay si Uda Мод na kumanta ng Mother in My Dream. Pakinggan natin.
Song: "Mother in My Dream"
Lahat ng mga mang-aawit sa nasabing concert ay kilala sa kanilang mga bansa, at si Uda Мод ay kilala rin sa Tsina. Siya ay Lahing Mongolian at ang karamihan sa kanyang mga awit ay nasa estilong Mongolian. Ang narinig nating awit na "Mother in My Dream" ang kanyang pinakakilalang awit. Noong bata pa siya, yumao ang kanyang ina, kaya, ginawa niya ang awit na ito para sa kanyang ina. Kaya naman, talagang malumanay ang pagkanta niya. Ngayon, pakinggan natin ang isa pang awit na may maganda at malumanay na style, "Water-ferns Drift, Clouds Float," na kinanta ni Ta Quang Thang mula sa Biyetnam.
Song: " Water-ferns Drift, Clouds Float "
Mula sa Byetnam, magpunta naman tayo sa Thailand. Narito si Tanon Jumroen na umawit ng " Love Great Charm."
Song:"Love Great Charm"
Ang Chinese singer na si Xiong Rulin ay naging kilala sa Tsina dahil sa talent show na "Dreaming China" noong 2006. Ngayon, pakinggan natin ang pagkanta niya ng "The Little Girl Under the Lamp"
Song: "The Little Girl Under the Lamp"
Sana na-enjoy ninyo ang awitin mula kay Xiong Rulin. Susunod, muli nating maririnig ang isa pang awit mula sa Tsina. Narito ang "The Beauty of the Orient" mula kay Xu Yina.
Song: "The Beauty of the Orient"
Bilang finale n gating programa ngayong gabi, narito ang theme song ng 2015 China-ASEAN Friendship Concert: "A promise of Mountains and Seas."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |