Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chamber Music Festival at Classical Music ng Tsina

(GMT+08:00) 2015-12-20 10:52:38       CRI

Idinaos sa Beijing noong unang araw hanggang ika-7 ng Disyembre 2015 ang 8th Chamber Music Festival 2015. Nag-perform ng mga tradisyonal at makabagong musika ang mga artista mula sa loob at labas ng Tsina, at nagpalitan din sila ng ideya hinggil sa musika.

Noong ika-3 ng Disyembre, idinaos naman sa Chinese Central Conservatory of Music ang "Sino-German Music Bridge Concert." Magkakasamang tinugtog nina Manfred Fock, piano master ng Alemanya, at Yang Gefang, kilalang violinist ng Tsina ang mga musika nina Mozart Brahms, Schubert Strauss, at iba pang mga kilalang artista ng classical music.

Tungkol sa pakikipagtulungan sa mga artisang Tsino sa nasabing festival, sinabi ni Manfred Fock, na walang hanggan ang musika. Kahit iba't-iba ang kanilang wika, maayos nilang naidaos ang konsiyerto.

Sabi niyang malaki ang impluwensya sa isat-isa ng pag-aral sa musika ng iba't ibang bansa. Gusto niya ng tradisyonal na musika ng Tsina kahit hindi siya pamilyar sa mga instrumento.

Sa concert, nakatawag ng maraming pansin ang mga batang artist. Umawit ng opera sa wikang Aleman si Wang Chuanyue, batang artista na nag-graduate mula sa Central Conservatory of Music. Itinanghal naman ng Elege National Chamber Music, ang sound track ng bagong version ng TV Series na "A Dream in Red Mansions," isa sa 4 na pinakabantog na novel sa Tsina. Ang bandang "Sheng Feng," grupo na itinatag ng mga estudyante ng Central Conservatory of Music ang tumugtog sa mga tradisyonal na instrumentong Tsino.

Hindi ganito kapopular ang mga tradisyonal na musikang Tsino dito sa Tsina, kumpara sa mga pop music ng mga kaunlaring bansa. Maraming pag-iisip at inobasyon ang ginagawa ng mga batang estudyante para mapasulong ang paggagalaganap nito.

Sinabi ni Shang Zude, estudyante ng Central Conservatory of Music, na bukod sa mahusay na pagtatanghal, kinakailangang maging komersyal ang mga tradisyonal na musikang Tsino. Aniya, dapat mas maraming concert ang maging bukas sa publiko at bago ang pagtugtog, advertisement.

Central Conservatory of Music

Itinatag aniya ng mga estudyante ang mga banda na binubuo ng kapwa tradisyonal na instrumentong Tsino at western instrument, para tugtugin ang mas maganda at popular na musika. Dahil sa kombinasyong ito, kumakalat ng mas malawak ang paggamit ng tradisyonal na instrumentong Tsino.

Bilang isang manoonod na mahilig sa pop music, ipinahayag ni Yang Ruigong, na para palaganapin ang classical music ng Tsina, dapat patuloy na likhain ang magagandang musika, at gawin ang mas social na kapaligiran para sa pagtatanghal ng classical music. Ito ay para ipakita sa mga manonood, na hindi lamang sila maaring makinig sa musika, maari rin silang maging miyembro ng isang espesyal na grupo.

Ang concert na ito ay itinaguyod ng Central Conservatory of Music at Hamburg Liaison Office. Ang Hamburg ay mahalagang port ng Alemanya, sentro ng komersyo at kultura, at kilala rin ito dahil sa Elbe Philharmonic Hall.

Elbe Philharmonic Hall

May Kinalamang Babasahin
Maarte
v Han Geng 2015-10-28 11:08:18
v Mga Korean singer sa Tsina 2015-09-07 16:01:27
v Gao Xiaosong at ang kanyang folk songs II 2015-08-25 15:16:48
v Nakababatang Musician ng Tsina—Hou Xian 2015-08-20 18:04:25
v Gao Xiaosong at ang kanyang folk songs 2015-08-11 16:29:51
v The Moon Reflected In Er-quan 2015-07-29 17:48:20
v Mga kanta para sa Winter Olympics 2015-07-22 18:11:47
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>