|
||||||||
|
||
Mga biktima ng mga kawal na Hapones, nanawagan kay Pangulong Aquino
MAS maliwanag ang kanilang pag-iisip at ala-ala kaysa kay Pangulong Benigno Aquino III. Ito ang sinabi ng mga kababaihang nabiktima ng pang-aabuso ng mga kawal na Japones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nalulungkot ang mga biktimang nasa sitenta anyos na sapagkat wala man lamang natanggap na paghingi ng tawad at kabayaran mula sa pamahalaang Hapones. Ito ang sinabi ni Rechilda Extremdura, Executive Director ng Lila Pilipinas.
Sa isang talakayan, sinabi ni Extremdura na binanggit ni Pangulong Aquino noong Nobyembre 2010 kay Ambassador Emmanuel Lopez na pag-aralan ang bagay na ito at magkasundo sa paghingi ng paumanhin.
Sa larangan ng kabayaran, hihilingan niya sa Kongreso na magpasa ng batas na mabigyan ng kabayaran ang mga nalalabing buhay pang biktima ng pang-aabuso ayon sa itinatadhana ng 1956 Reparations Agreement na sumasaklaw sa mga naging comfort women. Walang nagawa ang Kongreso liban sa mga resolusyon ng Makabayan bloc.
Nagdududa ang mga kasapi ng Lila Pilipina na mababanggit ni Pangulong Aquino ang isyung ito sa pagdalaw ni Emperador Akihito sa Pilipinas sa susunod na linggo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |