HINDI nagmamadali ang Commission on Elections sa paglilimbag ng mga balota para sa halalang gagawin sa ika-siyam ng Mayo ngayong 2016.
Nakatakda na ang paglilimbag ng mga balota sa unang araw ng Pebrero subalit nanawagan si Senate President Franklin M. Drilon sa Comelec na huwag munang maglimbag ng mga balota hanggang sa maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa lahat ng disqualigation cases na nakabimbin.
Sinabi ni G. James Jimenez na hindi naman nagmamadali ang Comelec na maglimbag ng mga balota. Maglilimbag ang Comelec ng mga balota sa oras na kailangang maglimbag. Hindi matutuloy ang halalan kung hindi handa ang Comelec, dagdag ni G. Jimenez.
Niliwanag din ni G. Jimenez na walang pinanigan ang Comelec sa usapin ni Senador Grace Poe na may pending disqualification case sa Korte Suprema.
1 2 3 4 5