|
||||||||
|
||
Napakalabo ng maipasa pa ang Bangsamoro Basic Law
MISMONG si Senate President Franklin M. Drilon na mismo ang nagsabing hindi matatapos ang pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law sa pagtatapos ng sensyon ng Senado sa Miyerkoles.
Hindi naman ito nangangahulugan na patay na ang panukalang batas sapagkat mas makabubuti sa papalit na pangulong bigyang-pansin ang peace process.
Kailangang magkaroon ng panibagong panukalang batas sa ika-17 Kongreso sapagkat sa hindi nito pagkakapasa sa 16th Congress ay mangangahulugang burado na ito sa mga dokumento.
Kailangang sama-samahin ang mga pahayag ng mga resource person na inanyayahan ngayong 16th Congressupang magamit sa pagpaparating ng bagong panukalang batas.
Sa isang panayam, sinabi ni Senate President Drilon na ang pinuno ng komite ang pay poder na tumawag o huwag tumawag sa mga saksi subalit maaaring humiling ang sinumang kasapi ng komite na ipatawag sila sa ma susunod na pagdinig.
Kailangang balikan ang mga resource person, dagdag pa ni G. Drilon. Bagaman at magsasasama-samang muli ang mga mambabatas sa buwan ng Mayo at Hunyo, magiging abala sila sa pagbibilang ng boto bilang National Board of Canvassers . Hindi matiyak ni Senador Drilon kung gaano katagal ang pagiging pagtitipon ng National Board of Canvassers.
Na sa agenda pa rin ng Senado ang BBL sapagkat ang nagtatanong hinggil sa panukalang batas ay si Senador Juan Ponce Enrile, dagdag pa ni Senador Drilon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |