|
||||||||
|
||
NEDA, may bagong pinuno
NILAGDAAN na ng Malacanang ang papel na nagtatagala kay Deputy Director General Emmanuel F. Esguerra bilang Acting Socioeconomic Planning Secretary at Director-General ng NEDA. Si G. Esguerra ang kahalili ni Dr. Arsenio M. Balisacan na hinirang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na pinuno ng Philippine Competition Commission.
Ayon kay G. Esguerra, ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni G. Balisacan tulad ng nilalaman ng Philippine Development Plan na magtatapos ngayong 2016.
Kailangang magkaroon ng maayos na pagsasalin o transition bilang paghahanda sa susunod na development plan sa pagluklok ng susunod na administrasyon. Kasama sa kanyang mga obligasyon ang pagiging vice-chair ng NEDA Board, at magiging chairman ng Philippine Statistics Authority, Public-Private Partnership Center, Philippine Institute of Development Studies, Philippine Center for Economic Development at Philippine Statistical Research and Training Institute.
Mahalaga rin ang naging papel ni G. Esguerra bilang Co-senior Official of the Philippines sa APEC Senior Officials Meeting noong nakalipas na taon, bilang chair ng APEC Group of Services at APEC Policy Support Unit Board at Philippine Acting Minister sa ikalawang APEC Structural Reform Ministerial Meeting noong Setyembre ng 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |