Magaganap sa Kalakhang Maynila dahil sa reclamation pag-uusapan
PAMUMUNUAN ng Ecology Network ng Arkediyosesis ng Maynila ang isang scientific forum sa magaganap sa kapaligiran sa oras na ipatupad ang reclamation project para sa Manila Bay at Laguna de Bay. Gagawin ito sa Biyernes sa Arzobispado de Manila sa Intramuros.
Pangunahing magsasalita si Dr. Kevin Rodolfo sa magaganap sa kapaligirang binanggit na sa isang liham na ibinigay kay Pangulong Aquino noon pa mang Disyembre ng 2013.
May mga kinatawan ang Philippine Retirement Authority na magsasalita hinggil sa reclamation projects sa Manila Bay, sa Laguna Lake Development Authority hinggil sa mga gagawin sa nasasakupan ng lalagiwan ng Laguna at mula sa Department of Public Works and Highways sa reclamation sa Laguna de Bay.
Magsasalita si Dr. Kevin Rodolfo sa paksang epekto ng reclamation at sa climate change.
1 2 3 4 5