Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mindanao peace process at mga pulis, kapwa isinugal ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2016-02-09 17:51:43       CRI

 

 

Mindanao peace process at mga pulis, kapwa isinugal ni Pangulong Aquino

PANGULONG AQUINO, NARARAPAT MANAGOT SA MAMASAPANO. Ito ang sinabi ni Senador Juan Ponce Enrile sa "Tapatan sa Aristocrat". Isinugal ni Pangulong Aquino ang Mindanao Peace Process at buhay ng 44 na mga tabhan ng Philippine National Police Special Action Force at kapwa natalo ang interes ng bansa at mga mamamayan. Na sa kaliwa si PNU Vice President Feliece Yeban (kaliwa) at De la Salle University Prof. Richard Heydarian. (Melo M. Acuna)

ILANG PROVISION NG SALIGANG BATAS NARARAPAT BAGUHIN. ito naman ang sinabi ni Bishop Teodoro C. Bacani, Jr., isa sa mga may akda ng 1988 Constitution. Kabilang dito ang party-list, political dynasty at foreign ownership ng mga bahay kalakal. (Melo M. Acuna)

ISINUGAL ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang buhay ng mga pulis ng Special Action Force at ang Peace Process at nagkataong natalo sa magkabilang panig.

Sa Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Senador Juan Ponce Enrile na kahit si Pangulong Barack Obama sa kanyang kautusan sa operasyon ng US Armed Forces sa pagdakip kay Osama bin Laden, ay tiyaking mananatiling ligtas ang kanilang mga tauhan.

Pagtataksil sa bansa ang pagbibigay ng ginhawa at suporta sa mga kinikilalang kalaban kaya't kailangang mapanagot si Pangulong Aquino sa kanyang mga ginawa sa oras na siya'y bumaba sa poder sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa mga dokumentong naisumite sa mga pagsisiyasat ng Senado, ang ginawa ni Pangulong Aquino ay marapat na magwakas sa impeachment subalit hindi ito nagawa dahil sa poder at impluwensya niya sa Mababang Kapulungan at sa ilang mga kabilang sa Senado.

Sa naganap sa Mamasapano noong nakalipas na taon, hindi umano maunawaan ni Senador Enrile kung ano ang papel ng mga Americano sa pagdadala ng search warrant ng mga pulis upang dakpin si Zulkipli bin Hir na kilala sa pangalang Marwan.

Hindi rin maunawaan ni G. Enrile kung bakit nasangkot ang mga Americano sa police operation sapagkat hindi kabilang ang pulisya ng bansa sa Armed Forces of the Philippines na mayroong mga naunang kasunduan sa kanilang operasyon.

Isang palaisipan din kay Prof. Heydarian kung bakit pinagtuunan ng pansin ng mga Americano si Marwan samantalang nagtapos ang kanyang katanyagan sa larangan ng terorismo noon pang 2010 at tila namamahinga na lamang sa Maguindanao.

Palaisipan pa rin kung bakit naglaan ang America ng US$ 5 milyon para sa pagkakadakip o pagkakapaslang kay Marwan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>