|
||||||||
|
||
20160302 Melo Acuna
|
BINARIL at nasugatan ang isang tanyag at iginagalang na Saudi Arabian preacher sa Zamboanga City kagabi. Ayon sa ulat, napaslang ng security detail ng mangangaral ang namaril.
Kinilala ang biktima na si Sheikh Aaidh al-Qarni na ngayo'y nasa pagamutan. Wala naman umanong panganib sa kanyang buhay.
Ayon sa mga impormasyong nakarating sa Maynila, ligtas na ang biktima ayon kay Senior Inspector Helen Galvez. Tinamaan ang biktima sa kanang balikat, sa kaliwang braso at sa dibdib samantalang ang kanyang kasamang attaché mula sa Saudi Embassy sa Maynila ay tinamaan sa kanang hita at sa kaliwang binti.
Nabalitang isang Filipino ang namaril. Dalawang iba pang taga-Zamboanga ang dinakip matapos ituro ng mga nakasaksi na kasama ng namaril ang mga ito. Paalis na ang panauhin sa kanyang pinagsalitaang pagtitipon ng maganap ang pamamaril.
Ayon naman kay Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr., sa pakikipag-ugnayan sa CBCP Online Radio, ibinalita ni Chief Supt. Wilben Mayor ng Philippine National Police na isang special investigation task group ang binuo at pinamumunuan ni Police Supt. Luisito Magnaye, Officer-In-Charge ng Zamboanga City Police upang magsagawa na malalimang imbestigasyon sa insidente at mabatid ang pananagutan ng namaril at mga kasama at ang kanilang personal backgrpumnd.
May hiwalay na imbestigasyon ang Regional Police Office No. 9 sa ilalim ng Regional Police Director.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |