Gross International Reserve, umabot sa US$ 81.30 bilyon
TUMAAS ang Gross International Reserves ng Pilipinas at umabot sa US$ 81.30 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero. Ito ang ibinalita ngayon ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. Mas mataas ito ng US$ 610 milyon kaysa GIR noong Enero na umabot sa US$ 80.69 bilyon dahil sa revaluation adjustments ng foreign currency-denominated rserves at gold holdings na mula sa pagtaas ng presyo ng ginto sa international market, net foreign currency deposits ng pamahalaang pambansa at income ng BSP mula sa investments sa abroad.
Ang mga ito ay nabalanse ng foreign exchange operations Bangko Sentral ng Pilipinas at kabayarang ginawa ng pamahalaan sa maturing foreign exchange obligations.
Ang natamong GIR level sa buwan ng Pebrero ay makasasaklaw sa higit sa sampung buwan ng imports ng mga paninda at kabayaran para sa services at income. Aabot din ito sa 5.7 na ulit ng short-term external debt ayon sa original maturity at 4.1 na ulit base sa residual maturity.
Ang Net International Reserves na siyang pagkakaiba sa GIR ng BSP at total short-term liabilities, ay tumaas din ng US$ 0.61 bilyon haggang sa US$ 81.30 bilyon sa pagtatapos ng Pebrero kung ihahambing sa katapusan ng Enero 2016 na NIR na umabit sa US$ 80.69 bilyon.
1 2 3 4 5