|
||||||||
|
||
Senador Grace Poe, nagpasalamat sa kanyang Ninong Erap
IKINATUWA ni Senador Grace Poe ang "endorsement" na ginawa ng kanyang Ninong Erap na punonglunsod ng Maynila, Joseph Ejercito Estrada. Ginawa ng alkalde ang kanyang endorsement sa proclamation rally na idinaos sa Liwasang Bonifacio kagabi.
Unang inindorso ni G. Estrada si Senador Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. bilang kandidato sa pagkabise-presidente. Tumatakbo si G. Estrada para sa kanyang re-eleksyon bilang punonglunsod.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Estrada na tulad ng yumaong ama-amahan ni Senador Poe na si Fernando Poe, Jr., malapit din sa kanya ang kandidato sa pagka-pangulo.
Itinaas din ni G. Estrada na dating pangulo ng Pilipinas ang kamay ni Senador Poe sa harap ng kanyang mga taga-sunod. Ayon sa pahayag ng kampo ni Senador Poe, pinahalagahan ni G. Estrada ang kanilang pagkakaibigan ng yumaong "Action King."
Maraming nag-akalang si Vice President Jejomar Binay ang susuportahan ni Mayor Estrada. Magkakasama sina G. Binay, G. Estrada at Senador Juan Ponce Enrile sa kanilang United Nationalist Alliance bago sumapit ang proklamasyon kagabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |