|
||||||||
|
||
Dalawang banyaga ang nagdala ng US$ 81 milyon sa bansa
PAGDINIG SA MONEY LAUNDERING, TULOY PA. Makikita sina Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Teofisto Guingona III na nakikipag-usap kay Senador Sergio Osmena III sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kontrobersyang kinasasangkutan ng US$ 81 milyon na mula sa Bank of Bangladesh. Itinuro ng Chinese businessman na si Kim Wong ang pinatalsik na manager ng RCBC - Jupiter Branch na nasa likod ng pagpapalsipika ng bank details. (PRIB Photo ni Albert Calvelo)
SINABI ng isang regular na nagyayaot sa mga casino sa Metro Manila na dalawang banyaga ang diumano'y nagdala ng US$ 81 milyon sa Philippine financial system na diumano'y ninakaw sa Bank of Bangladesh.
Ito ang sinabi ni Kim Wong, isang Tsinong negosyante sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Hindi pinangalanan ni Wong ang dalawang banyaga sa unang pagharap sa komite kanina. Nangako ang saksi na ilalagay niya ang pangalan ng mga banyaga at kopya ng kanilang mga pasaporte sa isang selyadong sobre.
Wala umano siyang kinalaman sa pagpalsipika ng mga dokumento para pumasok ang pera sa bansa. Hindi rin niya alam ang pinagmulan ng US$ 81 milyon. Binasa ni Kim ang kanyang pahayag sa Senado.
Ipinaliwanag rin niya ang dalawang banyagang nagpasok ng US$ 81 milyon ay kinabibilangan ng isang matagal nang naglalabas-masok sa bansa at kilalang junket agent at high roller.
Binanggit pa ni Kim na ang dating branch manager ng Rizal Commercial Banking Corporation na si Maia Santos-Deguito na nameke ng mga bank account, ang tumanggap at nagwithdraw ng pondong ninakaw.
Di tulad ng sinabi ni Deguito, ipinaliwanag ni Wong na minsan lamang siyang nagdala ng banyaga sa branch manager upang tulungang magbukas ng bank account sa kanyang sangay. Unang sinabi ni Deguito na si Wong ang nagdala ng limang bank account holders na 'di nagtagal ay nakatanggap ng nakaw na halaga.
Idiniin ni Wong si Maia na gumawa ng lahat ng paraan upang mailabas ang salapi sa bangko.
Sa halagang US$ 81 milyong nakaw na salaping naideposito at nakuha mula sa RCBC branch ni Deguito, sinabi ni Wong na may US$ 63 milyon sa Midas Hotel at Solaire casinos. Idinawit din ni Wong ang Philrem na nagtataglay ng may US$ 17 milyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |